squash KALABASA

LAOAG CITY – Dinarayo ng maraming turista ang itinuturing na higanteng kalabasa sa Barangay Paayas, Burgos, Ilocos Norte.

Ayon sa may-ari na si Erwin Dugay, residente rin sa nasabing barangay, hindi niya inasahan na magbubunga ang itinanim niyang kalabasa sa likuran ng kanilang bahay ng may bigat na 27 kilo.

Anya, iisa lamang ang itinanim niya kaya kung alam lamang na magbubunga ito ng ganito kalaki ay nagtanim na sana siya sa bukid.

Samantala, sinabi ni Dugay na ilalaban nila ang kanyang kalabasa sa kompetisyon na pinakamabigat na kalabasa sa farmer’s festival sa nasabi ring bayan.