-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Pinay Olympian weightlifter Hidilyn Diaz- Naranjo sa Asian Weightlifting Championship 2023 na ginanap sa Jinju, South Korea.

Mayroong kabuuang 221 kgs. ang total lift niya sa snatch at clean and jerk ng 59 kg. category.

Nagkampeon sa nasabing kategorya ang pambato ng China na si Luo Shifang na nagtala ng kabuuang 238 kgs. habang pumangalawa si Peri Yinxi ng China din na mayroong 236 kgs. at ang pambato ng Chinese Taipei na si Kuo Hsing-Chun ay pumangatlo na mayroong 230 kgs.

Ito ang unang pagkakataon na muling sumabak si Hidilyn sa Asian title mula noong 2021 kung saan naging pang-apat na puwesto ito sa 55 kgs division na siyang naging bahagi sa kaniyang paghahanda sa Tokyo Olympics.

Nabigo naman ang isa pang Pinay na si Elreen Ando kung saan hindi nagtagumpay ang lahat ng kaniyang tatlong attempts ng 125 kg sa clean and jerk at 99 naman sa snatch.