-- Advertisements --

WASHINGTON – Arestado ang isang heavily armed man sa isang security checkp[oint malapit sa US Capitol kung saan nagtangka itong gamitin ang isang phony credential para maka access sa isang restricted area kung saan gagawin ang inaguration ni President-elect Joe Biden na nakatakda sa susunod na linggo.


Nakilala ang naarestong armadong lalaki na si Wesley Allen Beeler ng Virginia na nagtungo sa isang checkpoint at nagprisinta ng pekeng inauguration credentials batay sa isang dokumento na isinampa sa Washington, DC Superior Court.

Nang inspeksyunin ng otoridad at tinignan ang listahan ng mga authorized access list, napansin ng isang officers ang decals sa likod ng pick-up ni Beeler na nagsasabi ” Assault Life” at may larawan ng rifle at may isa pang naka sulat na “If they come for your guns, give ’em your bullets first.”

Batay sa isinagawang tactical interrogation, sinabihan ni Beeler ang mga otoridad na mayruon siyang Glock handgun sa kaniyang sasakyan at ng isinagawa ang inspection dito nakita ang loaded handgun na mayruong higit 500 rounds of ammunition, shotgun shells, magazine para sa isang baril.

Inaresto si Beeler at sasampahan ng patung patong na kaso gaya ng possession of an unregistered firearm at unlawful possession of ammunition.

Nasa high state alert ang buong Washington kaugnay sa nalalapit na inauguration ni Biden.

Una rito, nagbabala naman ang mga security officials sa mga armed pro-Trump extremists, na posibleng may bitbit na explosives na nagdudulot ng mataas na banta sa mismong stae capital.

Nabatid, nasa 20,000 National Guard troops ang idi-deploy sa inauguration ni Biden, kasama dito ang mga ipinakalat sa Washington at sa mga kalye nito at naglagay ng mga concrete barriers sa downtown.

Sa kabilang dako, diniklara namang off-limits sa ngayon ang National Mall bilang hiling na rin ng Secret Service na siyang nagbibigay seguridad sa pangulo.

Sa tuwing magkakaroon ng presidential inaugurations ang National Mall ay punong puno ng tao. (AFP)