-- Advertisements --

Sasamantalahin ng Miami Heat ang home court advantage sa pagsisimula ng Game 3 NBA Finals laban sa Denver Nuggets.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng siyam na taon na maghost ang Heat ng NBA finals na ang huli ay noong 2020 sa walang fans na bubble game sa Orlando dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Heat star Kylie Lowry na malaki ang maitutulong ng home court advantage dahil sa pagsuporta sa kanila ng mga fans.

Binigyang halaga naman ni Filpino-American Heat coach Erik Spoelstra ang pagkakaroon ng pahinga sa bawat laro dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon para mapag-aralan ang ipapatupad nilang diskarte.

Sinabi naman ni Nuggets, Head Coach Michael Malone na gagamitin niya ang 48 minuto na disiplina para mahigitan ang Heat kung saan napatunayan nila na lumalakas ang Miami pagdating ng last quarter.

Magugunitang naitabla na sa 1-1 ng Heat ang Best of Seven Finals nila ng Nuggets at gaganapin ang Game 3 sa court ng Heat sa Kaseya Center.