Walang balak na pumasok sa pulitika ang actress na si Heart Evangelista.

Ito mismo ang direktang sagot ng actress-socialite sa tanong ng isa niyang Instagram followers.

Tinanong kasi ng isang netizens na kaya makikitang tumutulong ang may-bahay ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ay dahil may balak itong pumasok sa pulitika.

Sinabi nito na hindi kailangang magkaroon ang isang tao ng posisyon sa gobyerno para makatulong.
Wala sa kaniyang pangarap ang pumasok sa pulitika.

Maguguntang nagpost ang 35-anyos na actress ng mga larawan sa kaniyang social media ng mga ginagawa nitong pagtulong gaya ng pagbibigay ng wheelchair, pagsasagawa ng relief operations ganun din ang planong pamimigay ng mga gadget na tablets para sa mga mag-aaral sa pagpatupad ng online learning.