Kapwa nagningning ang Fashion Icon na si Heart Evangelista at Filipino-American content creator na si Bretman Rock bilang mga cover stars ng inilunsad na issue ng isang beauty brand magazine sa Pilipinas.
Sa isang video, ibinahagi ni Heart ang mga nakakatuwang behind-the-scenes mula sa kanilang cover shoot sa social media.
Sa nasabing video, makikitang nag-eenjoy at nagtatawanan pa ang dalawa sa pagitan ng mga kuha, habang nagpapakita ng kanilang matitinding pose sa harap ng lente ng kilalang photographer na si Mark Nicdao.
Sa cover photo ng dalawa sa social media noong Miyerkules kung saan inilarawan sina Heart at Bretman bilang “perpektong larawan ng makabagong Pilipino.”
Bumisita kamakailan si Bretman sa Pilipinas kasama ang nobyong si Justin Fester, kung saan kanilang nilibot ang El Nido at Bohol.
Sa kanyang pag-uwi, nakilala rin niya ang aso ni Heart na si Panda, gayundin ang influencer na si Mimiyuuuh. Si Bretman rin ang naging bagong mukha ng kilalang cosmetics sa bansa.