-- Advertisements --
Isasagawa ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa petisyon ng mga transport group sa hilng nila ng taas pasahe.
Sinabi ni PISTON president Mody Floranda, na magiging walang kuwenta rin ang nasabing pagdinig ng taas pasahe dahil sa lingo-linggo ang pagtaas ng presyo ng langis.
Magkaroon man aniya ng bawas presyo ay halos hindi ito maramdaman.
Nanawagan na lamang ang kanilang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung maaari ay suspendihin ang buwis sa mga produktong petrolyo habang pinag-aaralan ang batas sa ilalim ng Oil Deregulation Law.