-- Advertisements --

Pinayuhan ng mga health officials sa England sa maaaring allergy na makukuha kapag nagpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos na makaranas ng allergic reactions ang dalawang health workers na nagpabakuna ng COVID-19 vaccine ng Pfizer/BioNTech.

Ayon kay Stephen Powis, ang national medical director ng National Health Service (NHS) sa England, na hindi dapat mabigyan ng bakuna ang sinumang mayroong history allergic reactio sa bakuna, medicine o pagkain o may kasaysayan ng anaphylctoid reaction o ang mga pinayuhan na adrenalineauto-injector.

Patuloy na ang paggaling ng mga health workers na naunang nakaranas ng allergy.

Magugunitang naging unang bansa ang United Nation na nagsimulang magbakuna sa kanilang mga mamamayan.