-- Advertisements --
Labis umanong ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring hazing sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan namatay si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng uri ng “oppression” sa kapwa gaya ng hazing na maituturing ngang murder ay hindi kinokonsinti ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Sec. Panelo, tinitiyak nila sa pamilya ni Dormitorio ang hustisya at mapanagot ang mga responsable sa hazing sa kadete.
Kasabay nito, naniniwala si Sec. Panelo na panahon na para gawing heinous crime ang hazing para tuluyan ng matuldukan ang ganitong uri ng karahasan hindi lamang sa PMA kundi sa ibang academic institutions.