-- Advertisements --
Nagdulot ng pagkansela ng flight ang pagbuga ng abo matapos na sumabog ang Hayli Gubbi volcano sa Ethiopia.
Ang nasabing makapal na abo mula sa bulkan ay umabot sa Red Sea sa Oman at Yemen ganun din sa India.
Napilitan ang ilang mga airline companies sa India ang nagkansela ng flight dahil sa makapal na abo.
Ang bulkang Hayli Gubbi ay isang dormant na uri ng bulkan na ngayon lamang naging aktibo matapos ang ilang libong taon.
















