-- Advertisements --
Pinatawan nang multa ng NBA ang Atlanta Hawks star na si Trae Young na umaabot sa $20,000.
Ang desisyon ng liga ay dahil umano sa panlalait sa referee at paggamit ng hindi magagandang pananalita.
Nangyari ang insidente sa huling segundo nang matalo ang Hawks ng Mavs.
Habang isang puntos lamang ang kalamangan ng Dallas at bola ng Atlanta para sa final play, nag-screen si Young pero nag-foul daw ang isang bantay ng Mavs na kanyang ikinatumba.
Sinugod ni Young ang ref kung bakit hindi tinagawan ng foul ang Mavs.
Ipinagtanggol naman ng NBA ang official na kinilalang si Willie Cauley-Stein at nagsabing nararapat lamang ang desisyon nito na walang tinawag na foul.