TUGUEGARAO CITY – Inihayag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na nanaig ang rule of law, kasabay ng ibinabang hatol ng korte sa Maguindanao Massacre Case.

Ayon kay IBP President Atty. Domingo Cayosa na itoy matapos ang sampung taong paglilitis sa tinaguriang pinakamalalang ‘election related violence’ at ‘single deadliest attack’ sa mga miyembro ng media sa bansa.

Sinaluduhan din ni Cayosa si Presiding Judge Jocelyn Solis Reyes dahil sa kanyang tapang at paninidigan sa paghawak sa kaso sa kabila na makapangyarihan ang mga sangkot dito.

Ayon kay Cayosa, magandang pangitain sa sistema ng hustisya ang guilty verdict sa ilang miyembro ng pamilya Ampatuan at mga kasabwat sa massacre noong 2009.