-- Advertisements --
Itinanggi ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang reklamong land-grabbing.
Kasunod ito sa pagreklamo sa kaniya ng nasa 15 magsasaka sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan ang bahagi ng kanilang lupain na nasasakupan ng Certificates of Land Ownership Award ay inilipat sa private corporation na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.
Inilipat ang nasabing lupain nila sa Bataan sa POGO ng walang anumang clearance mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sinabi ni Roque na bahagi lamang ito ng paninira sa kaniya at wala pa umano itong kaso dahil bahagi lamang ito ng reklamo.
Giit ni Roque na handa niyang harapin ang anumang kaso laban sa kaniya.
















