-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng ilang buwan si three-time NBA scoring champion James Harden dahi sa tendon strain sa kaniyang kanang paa.
Natamo ng 33-anyos na Philadelphia 76ers guard ang injury sa pagkatalo nila sa Washington Wizards 121-111 nitong Miyerkules.
Mayoon ng apat na panalo at limang talo ang Sixers na nasa malaking hamon ngayon dahil sa kawalan ng kanilang isang star player na si Joel Embiid na nagpositibo sa COVID-19.
Ang 2018 NBA Most Valuable Player ay mayroong average na 22 points, 10 assists at pitong rebounds .