Dahil umano sa NBA COVID protocols kaya hindi nakasipot sa unang araw ng team practice ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si Jame Harden.

Una nang umugong ang isyu na masama raw ang loob ni Harden at hindi nasunod ang kagustuhan na ma-trade patungong Brooklyn Nets.

Kung maalala ang kanyang partner na si Russell Westbrook ay nakalipat na sa Washington Wizards kapalit ni John Wall.

James harden 1

Kahapon ay merong pa itong post sa social media na emoji na nagpapahiwatig na merong “iniinda” pero wala namang sinasabi.

Ayon kay Rockets coach Stephen Silas baka raw sa Lunes ay babalik na si Harden.

Nitong nakalipas na araw nakita raw si Harden na dumalo sa birthday party ng sikat na rapper na si Lil Baby sa Atlanta at hindi naka-facemask.

Batay naman sa patakan ng NBA, inaatasan ang mga players na sa kanilang bahay lamang muna na mag-quarantine sa halip na sa team facilities.

Sa December 11 ay simula na ng NBA preseason games habang sa December 22 naman ang opening ng bagong season .