Magbibigay ng $496,477.60 bilang donasyon sa mga biktima ng Australian wildfire si British racer Lewis Hamilton.

Ayon sa Formula 1 world champion, na ito ang paraan para matulungan ang mga biktima ng sunog.

Labis ang kalungkutan nito dahil maging ang mga hayop ay nadamay sa nasabing sunog.

Aabot sa 6.3 hektarya ng lupain na ang nasunog kung saan 27 katao na ang nasawi sa wildfire na nagsimula noong Setyembre.