-- Advertisements --

Inihayag ng grupong Hamas nitong Miyerkules (local time) na pumayag itong magpalaya ng 10 bihag bilang bahagi ng nagpapatuloy na negosasyon para sa ceasefire sa Gaza.

Ayon sa Hamas, nananatiling “tough” ang panig ng Israel kaya’t nagiging mahirap ang pag-usad ng ceasefire.

Ilan sa mga pangunahing isyu na binuksan nito ay ang pagharang sa mga tulong sa Gaza, pag-atras ng mga pwersang Israeli mula sa Gaza Strip, at ang pagkakaroon ng garantiya para sa isang permanenteng tigil-putukan.