Positibo ang naging tugon ng mga Hamas militant sa panibagong peace proposal para sa pagpapalaya ng mga bihag nila sa Gaza.
Ito ang inanunsiyo sa pulong nina Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani at US Secretary of State Antony Blinken.
Nasa Doha kasi si Blinken para isulong ang tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas ganun din ang pagpapalaya sa mga bihag nila.
Sinabi ng Qatari Prime Minister na natanggap nila ang sagot ng mga Hamas ukol sa general framework of agreement kung saan may ilang komento ang mga ito subalit positibo naman ang tugon.
Tiwala sila na kanilang naiparating sa Israel ang tugon na ito ng mga Hamas militants.
Sinabi naman ni Blinken na kanilang pag-aaralan ang naging tugon ng Hamas kung saan ipinarating na niya ito sa White House.