-- Advertisements --
IMG 5b8060261cd9795b35134adbac6fb1f3 V

Papalo sa halos P7 million ang halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawa nilang buybust operation sa parking lot ng isang mall sa Quezon City.

Ang naturang kontrabando ay may timbang na isang kilo at may street value na P6.8 million.

Ang mga nahuling suspek naman ay kinilalang sina Amel Abdul, 31, company driver; Jonaid Londoy, 27, unemployed at Salillaguia Omar, 35 na isang private 1st class ng Philippine Army.

IMG 456e620b318af0b150ef350d63e83407 V

Ang mga suspek ay nahuli sa Ever Gotesco Mall sa lungsod Quezon sa pamamagitan ng PDEA at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).