-- Advertisements --
image 549

Inaprubahan ng department of budget (DBM) ang management  ang special allotment release order o saro para sa pagbabayad ng right of way sa mga ari arian na maapektuhan ng expressway connector road project.
Sinabi ni budget secretary amenah pangandaman na nagkakahalaga ito ng P495,129,744.
Ang pondo ayon sa dbm ay kukuhanin sa fiscal year 2023 ng dwph budget.
Ayon kay pangandaman,  ang pondong ito ay inaasahang higit na makapagpapasigla ng infrastructure development program ng administrasyong marcos particular ang build better more o bbm  program.
Binigyang diin ni pangandaman na ang right of way  ang pinaka mahalagang bahagi ng pagpapatupad  at pag usad ng mga proyekto ng gobyerno kaya kailangan itong pagtuunang pansin.
Ang expressway connector road project  ay 8 kilometrong elevated  4-lane toll expressway na naglalayong  pasiglahin ang pag unlad sa lunsod ng maynila, caloocan, Malabon at navotas at iba pang lugar na nakapalibot sa mga ito.
Inaasahan ding makatutulong ang proyektong ito sa pagpapaluwag ng trapiko sa metro manila.