Nasa P2.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas, nahuli sa operasyon si Arnel Gonzales, 30-anyos, residente ng Barangay Pandan, Angeles City, Pampanga.
Si Gonzales ay kabilang sa database of illegal drug personalities at kilalang sangkot sa illegal drug trade sa Mabalacat at Angeles City, Pampanga.
Nakuha sa kanya ang 400 gramo ng iligal na droga, digital weighing scale at isang pulang kotse na may plaka na TLE296.
Nasa kustodiya na ng Mabalacat City Police Station ang suspek at inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The PNP is intensifying its operations to wipe out all forms of illegal drugs around the country. We will not stop until the last person in the drug list is put behind bars”, wika ni Gen.Sinas.
















