-- Advertisements --
DAVAO CITY – Makakatulong umano sa imbestigasyon ng mga otoridad ang mga narekober na dokumento na kasama sa mga iligal na droga na nasa loob ng bag.
Nabatid na iniwan lamang ang nasabing bag sa isang bus na mula sa Davao del Norte at nabigyan ng pansin sa isinagawang checkpoint ng Task Force Davao sa Lasang nitong lungsod.
Lumalabas na walang umaamin nang mag-inspeksyon ang pulisya kung saan tumambad ang malalaking pakete ng illegal drugs na nagkakahalaga ng halos P10 milyon.
Kabilang din sa narekober ang mga maliliit na cellophane na posibleng gagamitin sa pag-repack nito.
Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga illegal drugs para masuri habang dagdag na imbestigasyon ang isasagawa para malaman kung sino ang nagmamay-ari nito.
















