-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Naitala ang 86 na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela.
Dahil dito ay umakyat pa sa 608 ang aktibong kaso habang 19 ang gumaling.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 64 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, 9 sa Cauayan City, 5 sa Cabatuan, dalawa sa Cordon habang tig-iisa sa Alicia, Cabagan, Gamu, Ilagan City, San Mateo at Tumauini.
Labing walo ang Locally Stranded Individual o LSI, 77 ang mga health workers, 16 ang pulis at 496 ang local transmission.
Patuloy ang paalala sa publiko ng pamahalaang panlalawigan na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi kinakailangan para maiwasan ang COVID-19.