-- Advertisements --

Mayroong 84,593 na mga bakanteng trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa nationwide Job Fair sa Independence Day sa June 12.

Ayon sa DOLE na kanilang sinalang mabuti ang mahigit 1,000 employer na mag-alok ng mahigit 84,000 na bakanteng trabaho para sa kanilang job fair.

Nangungunang kailangan ay ang mga manggagawa mula sa business process outsourcing at masigla rin ang hiring sa manufacturing, retail at sales, finance, insurance at construction.

Sinabi pa ni Labor Undersecretary Amy Torres na ang dami ng bakanteng trabaho ay nangangahulugan na bumabalik na sa normal na operasyon ang mga kumpanya matapos ang mahigit na dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa Independence Day job fair ay mayroong 51 venue na ang pinakamarami ay dito sa National Capital Region na mayroong 12 venues sa Caloocan, Paranaque, Marikina, Pasig, Mandaluyong, Taguig, Las Pinas, at Quezon City.

Pinayuhan nito ang mga aplikante na magsuot ng presentableng kasuotan at magdala ng maraming resume ganun din na dapat paghandaan ang mga interviews.