Nasa mahigit 2,000 pamilya o katumbas ng 6,911 indibidwal ang nailikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Neneng.
Ito ang iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMO).
Batay sa ulat ng PDRRMO Cagayan, simula kagabi puspusana ang isinagawang force evacuation sa 12 bayan sa probinsya na kinabibilangan ng Ballesteros,Lallo, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Sta Ana, Lasam Baggao Sta Teresita, Gattaran, Sta Prexedes at Claveria.
Ang mga nagsilikas na pamilya ay kasalukuyang nananatili sa evacuation center habang may ilan namang nakisilong sa kanilang mga kaananak.
Ayon kay PDRRMO Head Ruelie Rapsing, na kanilang inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga evacuees dahil sa ongoing na force evacuation na isinasagawa.
Sa ngayon, hindi na madaanan ang san Isidro Taytay bridge, at Bagunot bridge sa bayan ng Baggao matapos umapaw ang ilog doon.
Maging ang ilang kalsada sa mababang lugar ay hindi na rin passable.
Hindi na rin madaanan ang Palawig detour bridge sa Sta Ana at kalsada bahagi ng Sta Clara.
May mga kalsada na rin na di madaanan sa bahagi ng Buguey ang Paddaya Weste Provincial Road at Balsa- Remebella Barangay Road.
Nakapagtala na rin ang PDRRMO ng lanslide sa bahagi ng Parabba Penablanca na kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operations ang DPWH.
May isang bahay naman ang nasira sa barangay Union Claveria matapos gumuho ang lupa doon.
May naiulat din na isang sugatan sanhi ng pagkakasemplang sa bisikleta ng biktima dahil sa madulas na kalsada sa bayan ng Sanchez Mira.