-- Advertisements --
20210107 174150

Karamihan sa mga Filipino adults ang hindi umano handang magpabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine base sa Pulse Asia Survey.

Sa isinagawang survey ng Pulse Asia, nasa 95 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing aware ang mga itong mayroon nang na-develop na covid vaccines.

Pero 47 percent naman sa mga ito ang nagsasabing ayaw nilang maturukan ng naturang bakuna.

Sa naturang data, papalo naman sa 84 percent ang nagsabing tatanggi silang magpabakuna dahil sa safety concerns.

Aabot lamang sa 32 percent ang nagpahayag na handa silang magpa-bakuna habang 21 percent ang hindi sigurado kung magpapaturok ng covid vaccine.

Pitong pursiyento sa mga sumailalim sa survey ang nag-aalala kung libre nga bang ipamimigay ang bakuna at limang pursiyento ang naniniwalang hindi sagot ang pagbabakuna para malabanan ang covid.

Nasa apat na pursiyento naman ang nagsabing baka mahal ang mga lalabas na bakuna laban sa nakamamatay na virus.

Isinagawa ang survey mula November 23 hanggang  December 2 sa 2,400 adults.