Halos 37,000 violators ang naitala ng PNP Joint Task Force Covid Shield dahil sa paglabag sa minimum public health standards sa tatlong araw na implementasyon ng granular lockdowns sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, sa 36,854 na nahuli, kalahati dito ang binigyan ng warning ang iba pinagmulta habang ang iba dinala sa police stations para harapin ang isinampang reklamo.
Bilin ni Eleazar sa mga kapulisan na kanilang tututukan ang mga lugar kung saan may mga nagtitipon-tipon na mga kababayan natin.
Batay sa datos ng JTF Covid Shield 93 areas sa 38 barangays mula sa anim na siyudad sa Metro Manila ang isinailalim sa granular lockdown.
Nasa 244 police personnel naman ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para bantayan ang mga lugar na nasa special concern lockdown.
Nasa 304 na mga force multipliers ang tumutulong sa PNP sa pagbabantay sa mga nasabing lugar.