-- Advertisements --
Nasa halos 300 mga kababaihan mag-aaral ang hindi pinayagang makapasok sa paaralan dahil sa pagsusuot ng abaya sa France.
Mahigpitp kasing ipinagbabawal sa France ang kasuotang Muslim na abaya sa mga paaralan.
Ayon sa French education minister na mayroong 298 na kababaihan na karamihan ay nasa edad 15 pataas.
Pumayag naman ang ilang mga kababaihan na magpalit ng damit kaya natuloy din ang kanilang pagpasok sa paaralan.
Habang ang 67 na ibang mga kababaihan ang umayaw na magsuot ng ibang damit kaya sila ay pinauwi.
Handang kausapin naman ng mga otoridad ang mga magulang ng mga mag-aaral para mabigyang linaw ang batas na kanilang ipinapatupad.