-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinuspendi ang operasyon ng mga public transportation tulad ng tricycle ay jeep matapos na ibalik sa Enhanced Community Quarantine( ECQ) ang Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, pormal nang sinuspende ng lokal na pamahalaan ang mga operasyon ng mga pampublikong sasakyan na ipapatupad ng mga kasapi ng City Traffic Group.

Isinailalim din sa localized lockdown ang 29 barangay sa kabila na lima lamang na barangay ang nagtala ng CoVID 19 para sa isasagawang massive contact tracing

Kapanpansin pansin sa mga pangunahing lansangan na tanging ang mga pribadong sasakyan lamang ang bumabagtas dahil nilimitahan na ang galaw ng mga mamamayan sa Lunsod ng Ilagan na nakasailalim sa ECQ.

Ibinalik na rin ang curfew hour na mula salas otso ng gabi hanggang alas singko ng umaga at ipinatupad na rin ang liquor ban sa buong lunsod.

Pinapayuhan ang lahat ng mga mamamayan na sumunod sa mga ipinag-uutos ng City Inter-Agency Task Force upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.