-- Advertisements --

Aabot sa 1, 971 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilipat ng assignment ngayong May 2022 election.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inilipat ang mga pulis ng assignment dahil may mga kamag anak silang tumatakbo sa eleksyon na sakop ng kanilang area of responsibility.

Ito’y para matiyak na magiging ‘non partisan” o walang kinikilingan ang mga pulis sa pagganap sa kanilang trabaho.

Samantala, sinabi naman ni Fajardo, na maliban sa 1, 971 na mga pulis na inilipat ng assignment, mayroon ding 147 field commanders ang inalis sa pwesto at inilipat din ng unit.

Walang kamag anak ang mga opisyal na inalis sa pwesto pero dahil mahigit 1 taon na sila sa kanilang unit kaya inilipat sila sa ibang unit.