KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng Isulan Municipal Police Station ang 16 na mga Indian nationals matapos na maaresto nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Isulan PNP, hinuli ang nabanggit na mga dayuhan nang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration, Isulan PNP at 6th Mechanized Brigade Phil Army.

Napag-alaman na pautang o “5-6” ang negosyo ng nabanggit na mga dayuhan na umano’y walang legal na mga dokumento.

Hinanapan din ng kanilang mga pasaporte ang mga ito at iba pang mga dokumento sa pananatili sa bansa.

Sakaling mapatunayang expire na ang mga dokumento sa pananatili sa Pilipinas ay ipapade-deport ang mga ito.