-- Advertisements --
galivez

All set na ang mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) facilities dito sa Pilipinas para sa mga magpopositibo sa naturang sakit.

Ayon kay Sec. Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer ng National Task Force (NTF) COVID-19, sa Miyerkules ay puwede nang gamitin ang Rizal Memorial Stadium.

Sa katunayan ay handa na rin umano ang Philippine International Convention Center (PICC) at World Trade Center na gamitin ng mga covid patients.

Samantala, mayroon daw dumating na 12,000 piraso ng personal protective equipments (PPEs) para sa mga fronliners.

Dagdag ni Galvez, sa ngayon ay nasa China na ang C130 plane ng bansa para kunin ang nasa 14,000 pa PPEs na gagamitin sa mga ospital.

Sa mga susunod na araw naman ay may Philippine Airlines at Cebu Pacific para kunin ang nasa 93,000 na PPEs na gagamitin sa Luzon.

Pagdating ng Huwebes, mayroon ding kukunin ang bansa na 84,000 PPEs sa China.

Ang mga PPEs ay ipapadala sa mga ospital sa Visayas at Mindanao para magamit ng mga frontliners doon.