-- Advertisements --
Nasa halos 1,000 katao na ang inaresto dahil sa patuloy na kilos protesta sa France.
Dahil dito ay nagpakalat ang gobyerno ng France ang nasa 45,000 na mga kapulisan sa ikaapat na araw na kilos protesta.
Gumamit na ng mga tear gas ang mga kapulisan para mapigilan ang pagwawala ng mga protesters.
Nagpasya na rin ang gobyerno na itigil sa magdamag ang operasyon ng mga bus at train services kung saan gagamit ang mga sundalo ng mga armored vehicles.
Nanawagan din ang gobyerno sa mga magulang na huwag munang palabasin ang mga kabataan.
Nagbunsod ang malawakang kilos protesta ng mabaril at mapatay ng mga kapulisan ang 17-anyos na binatilyo ng hindi ito huminto sa ipinatupad nilang checkpoints.