Halle Berry
Halle Berry/ IG post

Itinuturing ng actress na si Halle Berry na isang katuparan ng kaniyang pangarap ang mag-direct ng sariling pelikula.

Ayon sa 52-anyos na actress, kasalukuyan na niyang ginagawa ang action-drama na “Bruise” na siyang kauna-unahang pelikula na kaniyang gagawin.

Kuwento ito ng isang babaeng Mixed Martial Arts fighter na maipapalabas ngayong taon.

Dagdag pa nito na kasama siya sa nasabing pelikula.

Ibinahagi din nito na sumailalim siya sa pagsasanay para sa nasabing pelikula.