-- Advertisements --
Ipinasawalang bisa ng mga election authorities sa Kyrgyzstan ang naganap na halalan nitong nakaraang linggo.
Kasunod ito ng naganap na malawakang kilos protesta sa naganap na parliamentary elections.
Dahli sa pangyayari ay nagtala ng isang katao ang patay at marami ang nasugatan.
Ang nasabing hakbang ng electoral commission ay naganap matapos na akusahan ni President Sooronbai Jeenbekov ang “political forces” na nagtangkang iligal na angkinin ang puwesto.
Sumiklab ang kilos protesta matapos na apat na political parties sa kabuuang 16 ang nanalo sa parliyamento.
Tatlo sa apat na partido ay kaalyado ni President Jeenbekov.
Bukod sa parliament building ay kinuyog ng mga protesters ang ibang mga government building na ilang mga preso ang tumakas.