Wala talagang nagpapahuli sa pagandahan at patalbugan sa national costume competition ang mga binibining kalahok sa Miss Universe Philippines 2022
Sa ilalim ng temang “HABI” ay ibinida ng naggagandahang 32 kandidata ang makukulay at engrandeng disenyo ng kanilang mga national costume.
Isa sa mga itinakdang requirements ng MUPH Organization ay dapat na 30% ng kasuotan ng bawat finalist ay binubuo ng mga telang mula sa Pilipinas o di kaya ay nakahabi.
Samantala, mapapanood naman ngayong araw ang iba pang kaganapan sa preliminaries ng Miss Universe Philippines 2022 na gaganapin naman sa The Cove Manila.
Habang sina Miss Universe queens Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, at Demi-Leigh Tebow naman ang magho-host sa mismong coronation night sa April 30 ng naturang pageant.