-- Advertisements --
Patay ang isang guro matapos ang naganap na pananaksak sa isang paaralan sa France.
Sinabi ni Interior Minister Gerald Darmanin na ang atake ay nangyari sa Gambetta high school sa Arras City.
Naaresto na ng mga otoridad ang suspek na gumawa ng nasabing krimen.
Ayon sa ilang mga nakasaksi na narinig pa nila ang suspek na sumigaw ng “Allahu Akbar” o “God si greatest” bago ang atake.
Isang French language teacher ang nasawi habang sugatan naman ang isang guro at isang security guard.
Ang suspek ay edad 20 na dating mag-aaral at isang Chechen na sangkot na rin sa radical islam.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing krimen.