-- Advertisements --
Makikipag-usap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus operators para ayusin ang mga protocols na ipatutupad sa pagbabalik ng provincial buses sa kalsada.
Ito’y matapos kumpirmahin ng ahensya na papayagan na ulit bumyahe ang mga pamprobinsyang bus na may ruta sa Metro Manila simula Setyembre 30.
Sa susunod na linggo naman ay nakatakdang maglabas ang LTFRB ng memorandum circular para sa mga ruta na kanilang papayagan.
Ayon kay LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Russet Tamayo, pananatilihin ang 50-percent capacity ng mga pasaherong papayagan sumakay ng bus alinsunod na rin sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF).
















