-- Advertisements --
Nograles duque vergeire DOH Sokor

Nakatakdang paplantsahin at isasapinal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases (IATF) ngayong araw ang guidelines ng pagpapatupad ng community quarantine sa buong Metro Manila kung saan bawal na ang pagpasok at paglabas dito simula Marso 15 hanggang Abril 14, 2019.

Magugunitang inilagay na sa Code Red Sub-Level 2 ang alert status ng Pilipinas kaugnay sa COVID-19 kung saan ipaiiral ang ilang mga restriksyon at limitasyon sa mga pagkilos ng tao sa Metro Manila.

Sa Laging Handa briefing sa Malacañang, sinabi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na kabilang sa maaaring exempted sa “lockdown” sa Metro Manila ang mga cargo vehicles, mga pasyente na sa Metro Manila nagpapagamot at mga manggagawang nakatira sa karatig-lalawigan.

Ayon kay Sec. Nograles, kailangan lamang ipakita ng manggagawa ang ID mula sa employer na nagpapatunay na sa Metro Manila sila nagtatrabaho at ilan pang kondisyon.

Samantala, idinepensa rin ni Sec. Nograles ang desisyon ng IATF na ipagbawal ang domestic air travel papasok at palabas ng Metro Manila pero tuloy ang international flights na papasok at palabas ng Metro Manila lalo ang mga Filipino citizen o Filipino passport holders.