-- Advertisements --

Patuloy ang paglapit ng bagyo sa silangan ng Pilipinas, ngunit ito ay nananatili pa rin sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa ulat, ang Severe Tropical Storm Sinlaku (2604) ay namataan sa layong 2,715 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hanggang 135 kilometro kada oras.

Sa kasalukuyan, halos hindi ito gumagalaw o nananatiling stationary.

Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyong Sinlaku, patuloy itong binabantayan ng mga eksperto upang matiyak kung may posibilidad na pumasok sa PAR sa mga susunod na araw.

Samantala, maghahatid naman ng mainit na panahon ang Ridge of High Pressure Area (HPA) na umiiral sa eastern section ng Northern Luzon.