-- Advertisements --

Ipinagpaliban ang sanang pagdinig sa Abril 14 ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay parin sa umano’y mga anomalya sa flood control projects, matapos na bigong magsumite ng kaniyang affidavit si dating Ilocos Governor Luis “Chavit” Singson at kakulangan din ng pirma sa partial committee report.

Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee chairperson Panfilo “Ping” Lacson, maaring ituloy ang pagdinig kung makakapagsumite si Singson ng kahit draft ng kanyang sinumpaang salaysay at kung madagdagan pa ang limmang lagda sa partial report upang maiprisinta ito sa plenaryo.

Sa liham ni Lacson kay Singson, sinabi nitong kinakailangan ipagpaliban ang pagdinig hanggang sa maisumite ang affidavit na may kalakip na mga dokumento. Binigyan umano ng komite si Singson hanggang Abril 7, ngunit walang natanggap na tugon.

Samanatala, apat pa larmang ang miyembro ng komite ang lumagda sa partial report, kulang pa ng lima para sa kinakailangang siyam na pirma para maiprisinta ito sa Senado. 



Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na pinag-aaralan niyang maghain ng isang Chairman’s Report at isumite ito sa Office of the Ombudsman, kasama ang mga dokumento, transcipt, at ebidensyang nakalap sa hindi bababa sa pitong pagdinig upang makatulong aniya sa nagpapatuloy na imbestigasyon.