-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Government Service Insurance System (GSIS) na kaya nilang maabot ang 60 percent na pagtaas ng kanilang kita ngayong taon.

Sinabi ni GSIS executive vice president Michael Praxedes na mayroong internal target na P120 bilyon sa net income ngayon taon ang mga pension fund para sa mga government workers at retirees.

Dagdag pa nito na malaking target ito subalit patuloy ang kanilang paghabol dito.

Sa pagtatapos ng anim na buwan ay naabot na nila ang kalahati sa target koleksyon ngayong taon.

Umabot na sa P61 bilyon ang unang taon na net income kasi ng GSIS mula sa P3 bilyon noong nakaraang taon sa parehas na buwan.

Ang pagtaas na 84 percent na revenues sa P144 bilyon ay dahil sa tumaas ang gain sa equities, interes income at stock dividends sa kanilang investment portfolio.