Sinimulan na Government Service Insurance System (GSIS) ang pamamahagi ng aabot sa P174 million cash dividends sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay GSIS Chairman at Acting President at General Manager Rolando Ledesma Macaset, na otomatikong maipapasok sa kanilang mga eCard o Unified Multipurpose Identification (UMID) card ang nasabing cash benefits.

Ang tanging makakatanggap ng 2018 cash benefits ay mga GSIS member na mayroong force compulsory life insurance noong Disyembre 31, 2018.

Dedepende aniya ito sa financial performance ng Social Insurance fund.