-- Advertisements --
Sang-ayon ang grupo ng mga negosyante sa bansa na dapat ay magkaroon ng malawakang upgrade na ang paliparan.
Ito ay para hindi na maulit pa ang naganap na pagkaaberya ng maraming flights sa lahat ng paliparan sa bansa sa unang araw pa lamang 2023.
Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President George Barcelon, na labis na nakakadismaya sa mga foreign tourist ang nasabing pangyayari.
May malaking negatibong epekto ito sa imahe ng bansa na dapat ay hindi mangyari sa isang umuunlad na bansa.
Dagdag pa ni Barcelon na isa itong wake up call sa gobyerno sa pag-sasaayos na ng ating paliparan.