Tinutulan ng maga mangingisdang Pilipino ang pagpapakawala ng nalinis na wastewater mula sa nasirang nuclear plant ng Fukushima ng Japan sa Pacific OCean.
Ito ay pangamba na ang hakbang ay makakaapekto sa mga mapagkukunan ng pangingisda ng bansa at sa kabuhayan ng mga tao sa baybayin.
Ang Prime Minister ng Japan na si Fumio Kishida ay nag-anunsyo na ang unti-unting pagpapalabas ng higit sa 500 Olympic swimming pool na halaga ng tubig ay magsisimula sa Huwebes sa kabila ng pagtutol ng mga komunidad ng pangingisda at iba pang mga bansa.
Ayon kay Ronnel Arambulo, vice chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, dapat pakinggan ng gobyerno ng Japan ang panawagan ng mga karatig bansa nito na protektahan ang pinakamalaki at pinakamalalim na karagatan sa mundo mula sa mga nakakalason na radioactive wastes.
Binigyang diin ng grupo ng mangingisda na ang pagpapakawala ng treated wastewater ay maaaring makaapekto sa mga mapagkukunan ng pangingisda, kasabay ng paparating na monsoon sa hilagang-silangan o amihan.
Nabanggit nito na ang Philippine Rise na mayaman sa mapagkukunan, na matatagpuan sa silangan ng Luzon, ay isa sa mga pinaka-exposed at mahina na bahagi ng mga dagat ng bansa.
Nagbabala rin ang grupo na ang wastewater mula sa Fukushima nuclear plant ay maaaring makarating sa Bicol region at iba pang bahagi ng southern archipelago.
Giit ng nasabing grupo, dapat suportahan ng Department of Environment and Natural Resources at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagsalungat ng mga Pilipinong mangingisda, environmentalist, at iba pang eksperto laban sa hakbang na gagawin ng Japan.
Top