-- Advertisements --
20201013 124213

Nakaalerto umano ang Bureau of Corrections (BuCor) matapos lumabas ang mga report na nais ng isang grupong gumanti sa nakaaway nilang grupo sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) kamakailan na ikinamatay ng siyam na persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay tensiyonado pa rin daw ang sitwasyon sa loob ng piitan dahil sa mga lumabas na intel report.

Pero dahil sa tulong umano ng PNP ay agad namang napigilan ang nasabing paghihiganti ng isang grupo na siyang mahigpit pa ring binabantayan ng mga otoridad.

Biyernes ng madaling araw nang sumiklab ang kaguluhan sa loob ng NBP east quadrant.

Sa nasabing kaguluhan pitong miyembro ng Sputnik ang namatay at dalawa naman sa panig ng Commando gang. 

Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, nagsimula ang kaguluhan dakong alas-2:30 ng madaling araw at nagtapos alas-4:00 na ng madaling araw.