-- Advertisements --

Patuloy ang paglaganap ng kaguluhan sa Sudan dahil sa labanan ng dalawang puwersa.

Ibinunyag ng Doctors Without Borders na sila ay inatake ng mga armadong suspek.

Magdadala sana ng mga medical supplies ang kanilang grupo sa Khartom ng sila ay atakihin ng mga armadong suspek.

Pinagpapalo at sinaktan umano ng mga armadong suspek ang nasa 18 miyembro nila na magdadala sana ng mga medical supplies sa isang pagamutan.

Ninakaw pa ng mga armadong suspek ang kanilang sasakyan.

Hindi pa malinaw sa kanila kung anong grupo ang umatake sa kanila.

Magugunitang mula pa noong Abril 15 ng magsimula ang labanan ng mga sundalo at ang Rapid Support Forces paramilitary group na nagresulta sa pag-alis ng ilang milyong sibilyan.