-- Advertisements --

Ibinaba ng gobyerno sa 6-7% mula sa 6.5 hanggang 7.5% target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kanilang isina-alang alang sa adjusted GDP projection ang performance mula nuong nakaraang taon.

Kasama rin ang developments sa global economy partikular ang global finance at economic slowdown, pagtaas ng presyo ng langis at paggalaw ng inflation rate hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa tulad na lamang sa Amerika na isang major trade partner ng bansa.

Binigyang-diin ni Balisacan na ang adjsuted GDP growth ay maituturing pa ring mataas para sa kasaysayan ng ating ekonomiya at maging sa Asia pacific region.

Nangangahulugan din ito na masigla ang trabaho sa mga Pilipino.

Nilinaw ni Balisacan na hindi ito makaka-apekto sa pagkamit ng single digit poverty rate sa 2028 at maging sa hangaring makamit ang upper-middle income country.