-- Advertisements --

Itinuturing ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na isang malaking hamon ang kanilang mga ka-grupo para sa FIBA Basketball World Cup.

Sa ginawang draw kasi nitong Abril 29 ay nahanay ang Gilas sa Group A kasama ang Angola, Dominican Republic at Italy.

Sinabi pa ni Reyes na mayroon pa sanang ikakaganda ang grouping kung saan huling napili sana ay ang Ivory Coast imbes na Angola.

Itinuturing kasi ni Reyes na malakas na koponan ang Angola kumpara sa Ivory Coast.

Mayroon kasing mapait na karanasan ang Gilas Pilipinas sa tatlong koponan, kung saan tinambakan sila 108-62 ng Italy sa first game ng 2019 FIBA World Cup na ginanap sa China bago ang masaklap na pagkatalo nila sa Angola 84-81.

Matapos nito ay tinambakan rin sila ng Dominican Republic 94-67 sa Olympic Qualifying Tournament noong 2021.

Isa ngayong magandang tinitignan ni Reyes ay alam na nila ang kanilang makakaharap na kanilang paghahandaan.