Greenday
Green Day/ IG post
-- Advertisements --

May bagong petsa ng napili ang organizer ng concert ng Green day sa bansa.

Itinakda ang concert nila sa bansa sa Marso 13, 2021 sa Mall of Asia Arena.

Ayon sa organizers na ang mga may hawak na tickets noong ito ay nakansela nitong Marso dahil sa coronavirus pandemic ay puwede pa rin nilang tanggapin.

Ang nasabing concert ng banda ay siyang kauna-unahan nilang pagtatanghal sa bansa.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Basketcase”, “When I Come Around”, “She” at maraming iba pa.

-- Advertisement --